O
SINO SI PROPETA MUHAMMAD?
“Si
Muhammad ay hindi ama ng kahit na sinumang kalalakihan sa
inyo, kundi siya ay Sugo ng Allah, ang pinakahuli sa lahat ng mga
Propeta. At ang Allah ang Siyang walang-hanggang Nakababatid sa
lahat ng bagay.” Surah Al-Ahzab 33:40
“Yaong mga
pinagkalooban ng mga Kasulatan --- ang mga Hudyo at mga Kristiyano, ay kilala
siya (ang Propeta Muhammad) na tulad ng pagkakakilala nila sa kani-kanilang mga
sariling anak. Subali’t walang pag-aalinlangan, ang isang
grupo sa kanila ay itinago ang katotohanan samantalang batid nila ito.” Surah Al-Baqarah 2:146
“At
(alalahanin) nang sinabi ni ‘Eesa (Hesus) na anak ni
Maryam (Maria): “O mga Angkan ni
“At sino pa
ba ang nakagawa ng higit na pagkakamali kaysa sa isa
na nag-imbento ng kasinungalingan laban sa Allah, gayong siya ay inaanyayahan
sa Islam? at ang Allah, hindi Niya pinapatnubayan ang
mga taong Dzalimun.
“Tinatangka nilang patayin ang Ilaw ng Allah (i.e. ang relihiyong
Islam, ang Qur’an na ito, at si Propeta Muhammad) sa pamamagitan ng kanilang
mga bibig. Subali’t
pananatiliin ng Allah sa kaganapan ang Kanyang Ilaw
kahit na napopoot ang mga walang pananampalataya (sa Ilaw na) ito. Walang iba
kundi Siya ang nagpadala ng Kanyang Sugo (na si Propeta Muhammad) na may
pamamatnubay at ‘Deen’ (isinalin bilang relihiyon) ng Katotohanan upang gawin
Niya itong matagumpay sa lahat ng mga relihiyon (na gawa ng tao), kahit na
mapoot pa rito ang mga Mushrikun (mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga
pagano atbp.)
“O kayong
mga naniniwala! Nais ninyong patnubayan Ko kayo sa isang
pakikipagkalakalan na magliligtas sa inyo mula sa napakasidhing
kaparusahan. Maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo
(Muhammad), magpunyagi kayo at makipaglaban sa daan patungo sa Allah sa
pamamagitan ng inyong mga kayamanan at ng inyong mga sarili, ito ang makabubuti
sa inyo, kung ito ay batid lamang ninyo! Surah As-Saff 61:6-11
Ito ang ilan sa mga pahayag hinggil sa katangian ni Propeta Muhammad
bilang Huling Sugo. Sa katunayan, dumating sa
kasaysayan ng sangkatauhan ang napakatagal na walang ipinadalang Sugo ang Allah
pagkatapos ni Propeta Eesa (Hesus), na tinawag ang panahong yaon na ‘”Dantaon
ng Kamangmangan o Jahiliyyah”. Ito ay umabot ng mahigit na
limang daang taon--- ang mga tao noon ay namumuhay sa kadiliman at pagkaligaw,
na ang mga batas na kinikilala ay batas lamang ng mga malalakas, paghamak sa
karapatang pantao, pagturing sa mga kababaihan bilang mga kasangkapan na
maaaring bilhin, mga patubuan o interes sa mga transaksiyon, at iba pang mga
hindi makatarungang bagay. Hanggang sa dumating ang ‘Rahmah’
(awa, habag at biyaya) ng Allah at isinugo Niya si Propeta Muhammadr. Sinabi ng Allah: “Katiyakan, sa
Qur’an na ito ay may maliwanag na mensahe para sa mga tao na sumasamba sa
Allah. At ipinadala ka Namin ( O Muhammad) kundi
bilang ‘rahmah’ para sa lahat ng mga Alamin.” Surah Al-Anbiya 21
Si Propeta
Muhammad ay mula sa lahi ng mga
mararangal. Ang kanyang kanununuan ay si Propeta Ismail na
anak ni Propeta Ibrahim (Abraham). Siya ay isinilang sa Makkah sa taung 570 C.E.
Maaga siyang naulila sa kanyang mga magulang, ipinagdadalang-tao pa lamang siya
ay namatay na ang kanyang ama, at pagkasilang sa kanya, pagkaraan ng mahigit na
limang taon ay namatay naman ang kanyang ina. Naranasan din niya ang magpastol
ng mga tupa at lumaki siya na hindi marunong bumasa at
sumulat.
Ang nagpalaki sa kanya ay ang kanyang tiyuhin (Abu Talib) na siyang pinuno
ng kanilang tribo, kinikilala at iginagalang sa kanilang lipunan. Ang kanyang
pagigign kabataan ay kaiba sa lahat ng mga kabataan ng
taga-Makkah. Tinagurian siyang ‘Al-Amin’--- ang
mapagkakatiwalaan. Ito ay dahil sa kanyang
katapatan at mga kahanga-hangang katangian.
Sa edad na 25 ay
nakapag-asawa siya kay Khadijah na labing-15 taon ang tanda sa kanya, na mula
rin sa kinikilalang marangal na pamilya ng mga Quraish at nagkaroon sila ng
anim na anak.
Sa edad na 40 ay tumanggap
siya ng rebelasyon mula sa Allah sa pamamagitan ni Anghel Jibril, sa Jabal
Al-Rahmah. Nagsimula muna niyang ibahagi ang katotohanang ito sa kanyang
pamilya, mga kaibigan , mga kamag-anak at malalapit sa
kanya.
Hindi
tinanggap ng mga taga-Makkah bilang pangkalahatan ang kanyang ipinapangaral,
lalung-lalo na ang mga kinikilala sa kanilang lipunan,
na kung kaya, nakaranas siya ng mga pagmamalupit, maging ang kanyang mga
tagasunod. Hanggang sa dumating ang kautusan ng Allah
hinggil sa kanilang pangingibang-bayan na ito ang naging simula ng Hijrah
Calendar ng mga Muslim.
Ang lugar na kanilang pinuntahan ay Yatrib, subali’t nang lumaon ay
tinawag itong Al-Madeenah. Dito itinayo ni Propeta
Muhammadr ang ‘Islamic Estate’, nagtatag din siya ng
pagkakapatiran sa pagitan ng mga Muhajirun at mga taga Al-Ansar. Isa rin sa kauna-unahang itinayo niya ay ang bahay dalanginan Masjid
(Mosque).
Naging mabilis
ang paglaganap ng Islam, lalung-lalo na, noong
nagkaroon ng Dhul-Hudhaybiyyah o ang pakikipgkasunduan ng Kapayapaan sa
Hudhaybiyyah. Subali’t ilan taon pa lamang ang nakakaraan ay sinira na ng mga Kuffar na taga-Makkah ang kasunduang ito, na
naging sanhi ng paglusob ng mga Muslim sa Makkah. Napunta sa
kamay ng mga Muslim ang Makkah ng walang labanan na naganap, kundi
mangilan-ngilan lamang. pinatawad ng Propeta ang lahat
ng nagkasala sa kanya at pati na ang mga nagmalupit sa kanila. Ibinalik niya
ang Makkah sa tunay na kaanyuhan nito noon---inalis
niya ang mga rebulto na nakapaligid sa Ka’abah at muli nanumbalik ang kalinisan
sa pagsamba sa Kaisahan ng Allah.
Bago siya
namatay ay nagsagawa siya ng Hajj at ito ay ipinamalita niya sa
lahat, marami ang sumama sa kanya at nagsagawa rin. Nagbigay siya rito ng mga
pangaral hinggil sa karapatan ng lahat, karapatan ng
mga kababaihan, ang pagkakapantay-pantay ng lahat. Arabo man o hindi at iba pang mga makatarungang bagay. Isa rin sa kanyang sinabi: ‘Iiwanan ko kayo ng dalawang bagay na
kapag ito ay iyong pinanghawakan, kailanman ay hindi kayo maliligaw—ito ang
Qur’an at ang aking Sunnah.’
Pagkatapos niyang magsagawa ng Hajj ay pumanaw siya pagkaraan lamang ng
ilang buwan. Lahat ay nalungkot at
lumuha, sapagkat mahal na mahal nila ang Propeta
Muhammadr. Lumaganap ang kanyang katuruan sa
iba’t ibang panig ng daigdig, hanggang sa ito ay umaabot sa atin.
Ito ang maikling talambuhay ng Propeta. Siya ay pinili ng Allah sa
mula sa lahat ng sangkatauhan. Wala nang darating pang Propeta o Sugo pagkatapos
niya. Ang katuruan niya ay hindi sumasalungat
kailanman sa katuruan ng lahat ng mga naunang Propeta at Sugo na nauna sa
kanya. Bagkus ay ipinagpatuloy niya lamang ang mga katuruan ni
Hesus at ng lahat ng mga Propeta, kinukumpirma niya at pinapatotohanan kung ano
talaga ang kanilang mga ipinahayag. Mababasa natin ang ilang paliwanag mula sa Qur’an:
“Katiyakan,
Aming ibinaba ang Tawrah (ni Moses), na roon ay
pamamatnubay at liwanag, na kung saan sa pamantayang ito hinuhukuman ang mga
Hudyo ng mga Propetang isinuko ang kanilang mga sarili sa kagustuhan ng Allah.
At ang mga Rabii at ang mga Klero, sapagka’t sa kanila
ipinagkatiwala ang pangangalaga sa Aklat ng Allah at sila ang mga saksi hinggil
dito. Samakatuwid huwag matakot sa tao kundi and
(dapat na) katakutan ay Ako (O mga Hudyo) at huwag ipagbili ang Aking mga
Talata para sa isang napakaabang halaga. At sinumang hindi
humatol sa kung ano ang inihayag ng Allah, sila ay Kafirun.
At aming
ipinag-utos sa kanila: Buhay sa buhay, mata sa mata,
ilong sa ilong, tainga sa tainga, ngipin sa ngipin, at mga sugat katumbas sa
nasugatan. Subali’t sinuman na kapatawaran ang iganti bilang
paraan ng kawanggawa, ito ay pagkakapagbayad ng kasalanan sa kanya. At
sinumang hindi humatol batay sa kung ano ang inihayag
ng Allah, sila ay mga dzalimun [sumasamba sa mga diyus-diyosan at gumawa ng
kasamaan—sa mas mababang antas].
At sa
kanilang mga yapak, Aming ipinadala si Eesa (Hesus), na anak ni Maria,
pinatotohanan ang Tawrah na naunang dumating sa kanya, at Aming ibinigay sa
kanya ang Injeel, na kung saan ay pamamatnubay at liwanag at pagpapatunay sa
Tawrah na nauna rito, isang pamamatnubay at paalaala para sa mga Al-Muttaqun.
Hayaan ng
mga tao ng Injeel na humatol batay sa inihayag ng
Allah doon. At sinumang hindi humatol batay sa
inihayag ng Allah, sila ay mga Fasiqun [lumabag sa Allah sa mas mababang
antas—naghimagsik, suwail] sa Allah. At aming ibinaba sa iyo (O Muhammad) ang
Aklat (Qur’an) nang makatotohanan, kinukumpirma ang Kasulatan na unang dumating
[kaysa] rito at
[bilang isang] Muhaymin {ang ibig sabihin ay pinatutunayan ang katotohanan na
naroroon o nakasulat sa Lumang Tipan at pinatutunayan din ang pagiging mali ng
mga salita na idinagdag roon sa mga nauna o sa Lumang Kasulatan} sa mga ito [Lumang Kasulatan].
Samakatuwid
hatulan sila batay sa kung ano ang nihayag ng Allah,
at huwag sundin ang kanilang walang kabuluhang pagnanasa, [sapagka’t]
ihihiwalay [ka nila] nang pagkalayu-layo mula sa katotohanan na dumating sa
iyo. At kung sila ay tatalikod, samakatuwid, dapat na
mabatid mabuti na katiyakang ipinasiya ng Allah ang parusahan sila sa kanilang
mga kasalanan. At katotohanan, karamihan sa mga tao
ang ‘Fasiqun’. [Kung sila ay tumalikod mula sa batas ng
Allah] naghahangad ba sila kung gayon ng paghatol batay sa Batas ng
Kamangmangan? At para sa taong may katiyakang Paniniwala, sino pa ba ang
hihigit sa paghatol ng Allah?”. Surah Al-Maidah, 5:44-50