-
1.)
Wala namang pagkakaiba ang sinasamba
ninyo sa sinasamba namin, kayo tinatawag ninyo Siyang Allaah, sa amin naman ang
tawag ay Diyos o Yahweh, sa iba naman ay Jehovah, kaya pare-pareho lang iyan
.
-
2.)
Paano nagpahinga ang Diyos, pagkatapos Niyang likhain
ang lahat sa loob ng 6 na araw at pagkatapos sa ika-7 araw ay
nagpahinga Siya. At maaari bang magsisi ang Diyos na tulad ng nakalagay sa
Genesis 6:6?
-
3.)
Ang Diyos ay makapangyarihan, anuman
ang gusto Niya ay mangyayari, kung gusto Niyang maging tao pansamantala, walang
makapipigil sa Kanya.
-
4.)
Walang Diyos, dahil bakit maraming
nang-aapi, maraming pagdurusa, mga hindi makatarungang bagay na nangyayari sa
kapaligiran. Hindi pantay-pantay ang lahat ng tao.
-
5.)
Di ba ang Diyos ay Espiritu at
mayroong Siyang Tatlong Persona?
-
6.)
Si Hesus ay isang Salita, siya ay
isa ring Espiritu ng Diyos, na kung kaya, siya ay Diyos.
-
7.)
Mahal ka ng Diyos kaya nga tinubos
Niya ang kasalanan mo sa pamamagitan ng Kanyang anak, at ayaw mo bang tawaging
Ama ang Diyos, isang karangalan ito para sa iyo.
-
8.)
Mayroong nagsasabi na naka-usap nila ang Diyos sa panaginip at iyong iba naman
ay pumasok daw sa kanila ang Espiritu ng Diyos???
-
9.
)
Nanalangin ang isang tao kay Hesus
at dininig ang kanyang panalangin, ang isang tao naman ay nanalangin sa santo
at dininig din ang kanang panalangin, ang isa naman ay nanalangin sa bato at
dininig ang kanyang panalangin, at ang isa naman ay nanalangin sa Allah at
dininig din ang kanyang panalangin, paano ito maipapaliwanag?
-
10.)
Paano ang mga Himala o mga milagro
na nangyayari?
-
11.)
Bakit pinuputulan ng ulo ang mga taong nagkasala, walang human rights, di ba
sapat na magsisi na lamang sila o di kaya ay ibilanggo ng habang buhay?
-
12.)
Bakit hindi pinapahintulutan sa Arabia ang ibang relihiyon na magtayo ng
kanilang mga Simbahan?
-
13.)
Bakit nakaharap ang mga Muslim sa Makkah, sinasamba ba nila ang Ka'abah?
-
14.)
Paano paniniwalaan ang isang bagay na hindi pa nakikita at napupuntahan, may
nakapunta na ba sa Impiyerno para paniwalaan niya ito?
-
15.)
Ano ba ang Status o katayuan ni Hesus sa Islam?
-
16.)
Walang relihiyon na makapagliligtas sa tao, ang kailangan lamang niya ay
mayroon siyang Faith, ito ang magliligtas sa kanya?
-
17.)
Ano ba ang dahilan ng pagkakalikha sa atin, bakit ganoon, nilikha tayo
pagkatapos ay aalisin din muli tayo rito sa daigdig?
-
18.)
Pare-pareho lamang ang lahat ng mga Relihiyon, lahat ay nagtuturo ng kabutihan.
Wala itong pinagkaiba sa mga sanga-sangang daan, pagkatapos ay isa rin lamang
ang patutunguhan?
-
19.)
Sabi ng isa, ng yakapin ko ang ganoo't ganitong relihiyon, nabago ang aking
sarili, ganoon din ang inaangkin ng iba na kesyo nawala ang kanilang bisyo't
naging mabuti silang tao. Papaano ito?
-
20.)
Ano ba ang batayan ng isang tunay na Aklat upang ito ay tawaging banal nagmula
sa Nag-iisang Tunay at Tanging Diyos?
-
21.)
Bakit ipinagbabawal ang baboy sa Islam, kaya nga ito nilikha para pakinabangan
ng mga tao?
-
22.)
Papaano ninyong sasabihing kayo lang ang ligtas, ang sabi ni Hesus: "Ako ang
Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang sinuman ang makaparoroon sa Ama
kundi sa pamamagitan ko?
-
23.)
Kumbinsido ako na tama ang Islam, subalit noong sinabi ko sa misis ko na
yayakapin ko ito, sinabi niya: "kalimutan mo ng mayroong kang asawa at anak
kapag ginawa mo ito..
-
24.)
Ano ang katibayan ninyo na Islam ang tunay na relihiyon?
-
25.)
Ano ba ang Qur'aan? Ngayon lamang namin ito narinig!